top of page
Featured Posts

Sex sa first date?

Hello mga ka-odra. Ang bilis ng response sa blog ko ha, putsa hindi na naman ako makakapag-concentrate sa trabaho ko, mabuti na lang nasa bakasyon pa ang amo ko.

Ang unang letter sender natin ay isang OFW na taga-Dubai, looks like matagal ko na siyang follower mula pa sa previous blog ko. Well heto, basahin natin ang sulat na ipinadala niya sa email ko.

****

Dear Odra,

Hello, bago na pala ang blog mo, congratulations! Gusto ko lang itanong, ok lang ba mag-sex agad sa first date pa lang? Meron kasi akong ka-chat tapos magme-meet na kame sa weekend. He seems malibog kasi. Baka bumigay agad ako. Ok lang ba kung patulan ko agad? HELP! Gusto ko na magka-totoong jowa.

More power po.

Sincerely,

Elocin of Dubai

____________________________

Dear Elocin of Dubai,

Ikaw na ang may-date at may prospect for sex! Nakakaloka ka. Habang ang Pilipinas ay hindi alam ang gagawin para makaligtas sa mga bagyo, at ang mga pinoy dito sa Dubai naman ay sangdamakmak ang tulo ng mga pawis dahil sa humidity at init ng panahon, ikaw ay abala sa pakikipaglandian! Hiyang-hiya yung mga issues ng mga kababayan nating mahihirap na usually ay about pagkain, tubig, kuryente at pera.

At talagang kumunsulta ka pa sa akin ng ganito ha? If I know, gusto mo rin at may balak ka rin talagang bumigay agad. For me, parang hindi bet ang sex agad sa first date. Parang ang bastos, mga bakla lang ang gumagawa ng ganyan. Pwede bang sa 2nd or 3rd date na lang yung sex? Magpa-init naman muna kayo sa 1st date! GRABE! Ayaw n’yo bang mag-usap muna? Masyado bang boring yung usap lang?! Gusto ‘pag kakita, buka agad?

Generally, naka-depende talaga yan sa hanap mo or sa goal mo. Kung naghahanap ka ng “totoo at seryosong” relationship gaya ng sabi mo, I don’t think na dapat mag-sex agad sa unang kita pa lang. Hindi ito masyadong magandang foundation. While it’s true na kailangang sexually compatible kayo ng ka-relasyon mo, importanteng ma-check mo muna ang intelligence at personality and OTHER important qualities ng ka-date mo. Tamang prioritization lang ‘yan parang pagluluto ng isang masarap na adobo. Gisa muna sa bawang, sibuyas at mantika bago ihalo yung “laman.” Or gusto mo laman muna tapos ihalo yung bawang bukas then next week na lang ilagay ang mantika? Pwede rin. Landi mo ‘eh. Mai-push lang talaga yung laman sa unahan! Kaya nga binababad muna sa suka at toyo ang “laman” para mas masarap, ‘ di ba? Ganun din dapat sa relationship! Tamang build-up din!

Kung ako talaga ang tatanungin, mas better na gamitin ang first date sa getting to know each other shit mas lalo kung heterosexual relationship ito, hindi ka naman siguro homosexual ano? Usap muna bago bukaka. Mag-build muna kayo ng good foundation para mas meaningful ang sex. Otherwise kasi, para ka lang nakipag-sex sa isang callboy, parang mga bakla sa Middle East na meet ngayon hada na agad. Paraos lang ang peg. Gusto mo ba ‘yun? Sayang naman ang chance for a true relationship kung papairalin agad ang libog sa simula. Baka mapaso lang kayo.

On the other hand, kung landian lang talaga ang goal mo sa ka-date mo ay e di sex na agad. Aarte pa? Ang daming “tigang” sa mundo ha. Well, hindi ako kasama doon. Basta safe sex lang ha? Alam mong dapat ma-ingat tayo sa mga “sinusubo” at “pinapasok” sa ating katawan. Hindi ko naman dini-discount yung fact na may mga successful relationships na nag-simula sa sex. May mga ganung couples naman talaga. Pero konti lang sila at mga pinagpala. So, I suggest na doon ka lang sa sigurado at subok na strategies.

Take it from Odra, mag-usap muna kayo sa first date nyo. Huwag kayong magmadali…. mas lalo ka na pokpok ka! Manood kayo ng sine, kumain, at tumawa. Or pwede ring kumain, tumawa at mag-sine. Bahala na kayo sa order. Ako pa ba ang magsasabi? Char. Hindi naman kailangang sa kama agad ang punta! Don’t spoil this chance. Sayang. Kung malibog ang ka-date mo, doblehin mo ang self-control mo. Kung sa una pa lang hindi na ma-set ng tama ang mga bagay-bagay, wala na. Baka mag-end up na lang kayo as regular sex-mate! Sayang ang true love!

Hay naku, ang mga pinay talaga dito sa Dubai, hindi ko po nilalahat, pero aminin nyo na marami kayo… este tayo!

Babush, blag!


Check back soon
Once posts are published, you’ll see them here.
Recent Posts
Search By Tags
No tags yet.
Follow Us
  • Facebook Classic
  • Twitter Classic
  • Google Classic
bottom of page